NFA gawing pribado na lang — Cua

SA HALIP na buwagin ay iminungkahi ngayon ng isang kongresista na isapribado na lamang at patatagin ang National Food Authority (NFA).

Kasabay ng kaniyang pagtutol sa panukalang tuluyan ng buwagin  ang NFA ay isinulong ni
Quirino Rep.  Dakila Carlo Cua ang House Bill
1528 upang mapatatag aniya ang ahensya sa pamamagitan ng pagsasapribado nito.
Nakapaloob sa panukala ni Cua ang pagkakaloob ng “rice and basic commodities for pro-poor programs”  na pangangasiwaan naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“The measure is pursuant to the declared policy of the State to ensure food security for all Filipinos, adequate supply of food grains
at all times and in all places, and reasonable levels of prices of food grains and to carry out regulatory and developmental functions to
support farmers and grains businessmen so as to increase their productivity and profitability,” paliwanag ni Cua.

Binanggit ni Cua na ang National Grains Authority (NGA) ay nalikha sa ilalim ng Presidential Decree 4 noong September 26, 1972 at pinalitan lamang ng National Food Authority (NFA) sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1770 na inisyu noong January 14, 1981.

Kabilang din sa gampanin ng NFA ay ang bumili ng bigas mula sa mga magsasaka at ibenta ito ng mas mababa sa taumbayan na kalaunan ay nagging dahilan ng paglubog at pagka-bangkarote ng ahensya.
Batay sa 2009 Annual Report ng NFA ay umaabot nasa P146.87 bilyon ang pagkakautang nito, at dagdag na umano’y naging pabigat ang P17.703

bilyon tax subsidy ng gobyerno sa importasyon ng bigas. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply