No bail sa carnappers ni Venzon Evangelista

WALANG inirekomendang piyansa ang Quezon City Prosecutors Office para sa pansamantalang kalayaan ang mga suspek sa kasong carnapping at pagpatay sa car dealer na si Venzon Evangelista matapos ipagharap ng kaso sa piskalya, Biyernes.

Ang mga suspek na sina Alfred Mendiola at Ferdinand “Batibot” Parulan ay hindi pinahintulutang makapag-piyansa ni Assistant City Prosecutor Solivan Osman.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong murder at paglabag sa R.A. 6539 (Anti Carnapping Act 0f 1972)  matapos isangkot sa pagnanakaw ng sasakyan at pagpatay kay Evangelista.

Sa ulat ng pulisya, isinasangkot ang dalawang suspek sa pagdukot at pagpatay kay Evangelista nitong nakalipas na Linggo matapos matagpuan ang sunog na bangkay ng huli sa isang irrigation ng Cabanatuan, Nueva Ecija.

Sinabi ng ilang witnesses na isinasangkot ang mga dinakip na suspek sa Dominguez carnapping syndicate na siya umanong mastermind sa brutal na pagpatay sa car dealer na si Evangelista.

Ayon sa witnesses, ang Dominguez carnapping syndicate rin ang nasa likod ng pag-carnap at pagpatay kay Evangelista.

Magugunitang dinukot si Evangelista habang nagro-road test sa kanyang Land Cruiser at natagpuan ang sunog na bangkay sa isang irrigation canal sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Samantala, sinabi naman ni Dante Jimenez, chairman ng Crussade Against Violence and Corruption at dating LTO chief colonel Mariano Santiago na dahil sa mga sunod-sunod na insidente ng carnapping at pagpatay, pobor sila sa pagbabalik ng parusang bitay.

Sa isang forum sa Tinapayan, sinabi nila Jimenez at Santiago na wala nang kinatatakutan ang mga kriminal at napapanahon na para ibalik ang naturang parusa sa heinous crimes. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply