Give me a break!

PINAALALAHANAN ng Civil Service Commission (CSC) ang mga ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng direktang serbisyo sa publiko na ipatupad

ang “no lunch break policy.”

Ito’y matapos makatanggap ng ulat ang CSC na hindi kuntento ang mga mamamayan sa serbisyong ibinibigay ng mga empleyado ng ilang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga ito ang PhilHealth, Government Service Insurance System (GSIS), Laguna Lake Development Authority (LLDA), Social Security System (SSS), Customs, Bureau of Internal Revenue (BIR), Land Transportation Office (LTO), Food and Drug Administration (FDA), Department of Social Work and Development (DSWD) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay Chairman Francisco Duque ng CSC, nakasaad sa Anti Red Tape Act 2007 na ipinagbabawal ang lunch break sa mga ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng direktang serbisyo sa publiko.

Dahil dito, iginiit ni Duque na kailangang magkaroon ng empleyado sa mga ahensyang nabanggit na mananatili o hahalili sa p’westo mula alas-dose ng tanghali hanggang ala-una ng hapon. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply