‘No lunch break’ sa gov’t agencies isinulong

“NO noon break for frontline services!”

Ito ang isinusulong ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Francisco T. Duque III nang magsagawa ng on-the-spot check sa frontline services ng Land Registration Authority (LRA), iniulat Linggo ng tanghali.

Ayon kay Duque, hindi naaayon sa batas na magkaroon ng “lunch break” ang mga ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng frontline services sapagkat ang “no noon break policy” ay alinsunod sa Anti-Red Tape Act (ARTA) ng 2007 o Republic Act No. 9485.

Nakakatanggap umano ng ulat ang CSC na may mga ahensiya ng pamahalaan na pangunahing tungkulin ang maghatid ng frontline services ang tumitigil sa operasyon tuwing lunch break at pinaghihintay ng isang oras ang mga kliyente.

Naunang binisita ni Duque ang Land Transportation Office (LTO) at nakatakda pa siyang magtungo sa iba pang ahensiya ng gobyerno upang matiyak na sinusunod ng mga ito ang probisyon ng ARTA.

Pangunahing tagapagpatupad ng ARTA ang CSC. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply