Nora Aunor hanggang pag-arte na lang

BINIGYAN ba ng pointers ni Toni Gonzaga  si Alex para umarte sa pinagbibidahan niyang “Babaeng Hampaslupa’ ng TV5 na magsisimula sa Feb.7?

“Oo. Nag-research din ako sa youtube ng mga breakdown ng mga artista, kung paano sila umiyak kasi hirap kong umiyak. Tapos tinanong  ko ate ko, binigyan niya ako ng music sa ipad  niya para magmotivate na  umiyak, tapos sabi niya, manood ako ng mga nakakaiyak na eksena tapos tinuturuan pa niya ako ng technique,” kuwento niya.

Anong mga technique?

“Pumikit muna raw …hehehe,” sey niya.

Tingin niya ba ay mas magaling na siyang umarte kay Toni?

“Uy hindi naman. Siguro mas bata lang ako sa kanya.uy, mas bata ako sa kanya. hahahaha,” pabiro niyang sagot.

Oks lang ba na i-compare siya kay Toni?  “Dati na akong kinu-compare sa kanya. Okey lang na ikumpara ako sa kanya dahil hindi naman siya gagawa ngayon ng drama,” saad pa ni Alex.

Kasama niya sa ‘Babaeng Hampaslupa’ na magsisimula sa February 7 sina Susan Roces, Alice Dixson,Jay Manalo, Bing Loyzaga, Freddie Webb, Christian Vasquez, Karel marquez, Celso Ad Castillo, Vandolph, Jenny Quizon, Susan Africa, Julio Diaz, Dolphy Jr, Anne Villegas at Sheila Marie Rodriguez. Leading men niya sina Alwyn Uytingco at Martin Escudero.

-0o0-

Wala na sa  Binibining Pilipinas Charities ang franchise ng Miss World. Sa contract signing at presscon na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel , pormal nang ini-award ng Chairman at CEO ng Miss World Limited na si Julia Morley ang exclusive licensee agreement nito sa tri-media personality at wellness guru na si Cory Quirino.

Ayon kay Ms. Cory, gusto nila na ang mananalong Ms. World Philippines ngayon ay galing sa mahirap na pamilya at ite-train nila  bilang beauty queen kaya mag-iikot sila para maghanap ng mga kandidata.

Gusto rin nilang mabigyang-pansin ang kalusugan ng kababaihan at kabataan, gayundin ang pagpapaunlad at pagpapalakas sa mga ito, at iba pang socio-civic undertakings.

Ang pinakamataas na nakuha ng Pilipinas sa Miss World ang pagkapanalo ni Evangeline Pascual bilang second place noong 1973. Nang ma-dethrone ang nanalong Miss World , si Evangeline na sana ang hahalili pero tinanggihan niya.

Naging Second Princess naman si Ruffa Gutierrez noong 1993.

Samantala, first time naman na dumating sa Pinas ang chairman and CEO of Miss World Limited na si Julia Morley. Paliwanag niya kung bakit  humiwalay sila sa Bb.Pilipinas Charities:

“The job of Miss World is always for fund-raising. The crown is a symbol of fund-raising. Our aim, our vision at Miss World is always ‘Beauty with a Purpose.’ What is a crown without a purpose? The truth is I needed to give the Philippines as many opportunities. We need to raise funds for poor and sick at the PGH for their ventilation, the antibiotics, more medical equipment. The thing is I want to be involved. I can’t do that if we don’t have an individual contest. I don’t have a voice here before and now I want to be involved, I want to be connected. We have big plans to raise money for the children.”

Wala naman daw silang bad blood ni  Madame Stella Marquez Araneta kung inalis man  nila sa Bb.Pilipinas ang Ms.World.

‘Yun na!

-0o0-

Hindi pa sure kung darating si Nora Aunor sa February.

“Hindi ko alam. Ang sabi niya first week ng Feb. Ang labo pa . As of now, hindi pa siya tumatawag ulit. Dapat nakaplano  ang pagdating niya at may gagawin siyang trabaho dito,” bungad ni Kuya Germs sa isang presscon. Niliwanang din ng Master Showman na mali  ‘yung kumakalat na pinanghihingi ng pamasahe ang superstar.

“Wala namang ganun. Para naming kinakawawa nila si Guy ,” sey niya.

Ang idine-deal  daw niya ay bigyan ng plane ticket at matitirhan si Nora pag kailangan ng serbisyo niya dito sa Pinas.

“Wala naman kasi siya matutuluyan dito. Wala na lahat ‘yung mga properties niya,” paliwanag ni Kuya Germs.

Siya  ba ang tumatayong manager? “No..no. Sa akin lang  humihingi ng advice. Ako ang magga-guarrantee. Kasi natatakot sila , ‘yung  mga network.’Yun ang sinasabi ko kay Guy ng diretso.’Yung security ng pagtatrabaho niya, walang sabit. Ang sagot niya,  minsan sa kanila naman nanggagaling ang problema,e. Hindi sila sumusunod sa usapan. ‘Yun mga ganun.”

Kumusta na ang boses ni Ate Guy?

“In singing… problema. Kung sa mga drama puwede.Nagsasalita naman siya,” ani Kuya Germs.

Nag-iba ba talaga?

“Nu’ng bagu-bago ‘yung nangyari, gumagaralgal ang boses. Ang need para bumalik ay mag-therapy kung ano ang bawal, wag muna gagawin. Like for example  sigarilyo, umiinom. Dati naman daw siya nagi-smoking , hindi naman daw nakaapekto sa boses niya. Naapektuhan daw nu’ng operahan siya talaga.” Roldan Castro

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply