NSO, GSIS, suportado ang data privacy bill

SINUPORTAHAN ng mga ahensya ng gobyerno ang House Bills 890 at 1554 na naglalayong pangalagaan at panatilihing lihim ang mga datos at personal na impormasyon.

Sinusuportahan ng National Statistics Office (NSO) at ng Government Service Insurance System (GSIS) ukol sa datos o data privacy.

Sinang-ayunan ng ng NSO, pangunahing ahensya ng pamahalaan na nangangalaga ng mahahalagang dokumento at datos, na pinamumunuan ni Administrator at Civil Registrar General Carmelita Ericta.
Ayon kay Ericta, naninindigan ang NSO “sa pangongolekta, pagmamantine, paggamit at paghahatid ng mga impormsayon sa mga mamamayan at negosyo sa wastong pamamaraan at pagtitiyak na ang mga ito ay nagagamit lamang ng naaayon sa pangangailangan.”

Sumusuporta rin si GSIS president Robert Vergara sa panukala dahil matutugunan nito ang pananatiling lihim ng mga impormasyon at datos
para sa mga kliyente ng business process outsourcing (BPO), subali’t kailangang isaayos ng kanilang tanggapan ang umiiral na proseso sa
pagsang-ayon ng may 1.37 milyong aktibong miyembro nito, para mabuksan at maproseso ang kanilang mga personal na impormasyon.

Ipinaliwanag ni Tarlac Rep. Susan Yap ang HB 890 na naglalayong magtatag ng patas na pangongolekta, pagmamantine, paggamit at
paghahatid ng mga impormsayon at datos ng bawa’t mamamayan at parusahan ang sinumang gumagamit o nagpo-proseso nito sa iligal na paraan at walang pahintulot.

Ang panukala na tinawag na Data Protection Act, ay nagsusulong na  “magpaparusa mula
anim hanggang labindalawang taong pagkabilanggo at multa mula P1 milyon hanggang P3 milyon sa mga mahuhuli at mapapatunayang gumagamit
at nagpoproseso ng mga datos ng isang tao ng walang kaukulang pahintulot.” Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply