Nueva Vizcaya niyanig ng intensity IV na lindol

NIYANIG ng lindol na may magnitude-4.3 ang Nueva Vizcaya sa northern Luzon, Biyernes ng umaga at posibleng magkaroon ng aftershocks, ayon sa Philippine Institute and Volcanology and Seismology.

Batay sa Phivolcs, naitala ang pagyanig bandang 8:55 a.m., na may tectonic origin.

Nakita ang epicenter sa may 7 km southwest ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Naramdaman ang Intensity IV sa Bayombong, Nueva Vizcaya; Intensity III sa Solano, at Intensity II sa Baguio City at Cauayan City sa Isabela.

“Light sleepers are awakened. Vibration is felt like a passing of heavy truck. Hanging objectsswing considerably. Dinner, plates, glasses, windows and doors rattle. Floors and walls of wood framed buildings creak. Standing motor cars may rock slightly. Liquids in containers are slightly disturbed. Water in containers oscillate strongly. Rumbling sound may sometimes be heard,” ayon pa sa Philvocs.

Wala namang napaulat na nasirang ari-arian ng naturang lindol. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply