Obrero nagbigti sa Rizal

TULUYAN nang winakasan  ng isang obrero  ang kanyang buhay  para lamang takasan  ang paghihirap ng kanyang kalooban sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa puno sa pinagtatrabahuhan nitong kompanya sa Tanay, Rizal, Martes.

Kinilala ang nasawi na si Ronnie Catina,42, may-asawa, stay-in worker sa New Tanay Hardware sa Brgy.Plaza Aldea, nabanggit na lalawigan.

Ayon sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng biktima ng isa niyang kasamahan sa trabaho bandang 5:15 a.m. na nakabitin sa isang mataas na puno na may nakapulupot na isang nylon cord sa kanyang leeg.

Tinatayang 30 talampakan  ang taas ng sanga ng puno na pinagbigtihan. Hindi pa batid kung anong problema ang nagbunsod kay Catina upang kitilin niya ang kanyang sariling buhay. Jun Ferrer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply