Ocular inspection sa Eton Residences, isinagawa

NAG-OCULAR inspection ang Makati Police, Lunes Enero 31, 2011 sa bumagsak na gondola sa ginagawang Eton residences sa Makati na pag-aari ni Lucio Tan, na ikinamatay ng 10 construction worker noong Enero 27, 2011.

Ang oular inspection ay magsisilbing follow-up operation sa gumugulong na imbestigasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa insidenteng ito.

Sa pangunguna ni Senior Supt. Froilan Bonifacio ng Makati Police, ika- 2:00 ng hapon ng Lunes nang inspeksyunin ng mga awtoridad ang gusali.

Ayon kay Bonifacio, dalawang beses nang hindi natutuloy ang ocular inspetion upang bigyang-daan ang imbestigasyon ng DOLE at Makati City Engineers.

Layunin ng nasabing inspeksyon na alamin kung sumuunod ba ang Eton sa safety meassures sa pagpapatayo ng isang gusali. Isinama sa inspeksyon ng pulis-Makati ang tatlong engineers at isang survivor sa aksidente.

Sa nabanggit na inspeksyon ay inalam rin kung nabayaran ng tama ang mga manggagawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply