oFws sinibak sa Madagascar, South Africa

SINIBAK ang ilang mga factory workers sa Madagascar, South Africa makaraang maglunsad umano ng mga kilos protesta ang mga ito upang isatinig ang hindi pagpapasuweldo sa kanila ng tama.

Ito ang ibinunyag ng League Filipino Students (LFS), kung saan ang mga naturang sinibak ay isa-isa nang umuuwi pabalik ng Pilipinas.

Ayon sa radio report ng dzBB, kinkukuwestiyon ng LFS na hindi man lamang umano nalaman ng pamahalaan ang kalagayan ng mga factory worker sa naturang bansa.

Nabatid na legal ang mga dokumento ng mga nasibak na overseas Filipino workers  (oFws).

Iginiit pa ng naturang grupo na kung hindi ito nalaman ng pamahalaan, paano pa kaya ang mga Pinoy na may problema rin sa ibang bansa.Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply