Ogie Alcasid ipinagtanggol ni PNoy

IPINAGTANGGOL ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay Ogie Alcasid bilang convenor ng EDSA People Power celebration sa Pebrero 25.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino si Ogie dahil alam niyang kabahagi ang aktor sa reporma.

Karapat-dapat din umano si Alcasid sa trabaho dahil naaayon ito sa kanyang galing sa music industry.

Maliban kay Ogie, una nang naitalaga sa Philippine National Oil Company ang kanyang ama na si Herminio Alcasid Sr.

Ang singer/composer na si Alcasid ay isa sa nangampanya para kay Aquino noong Presidential elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply