Ondoy, buhay na buhay sa Kabikulan, Visayas at Mindanao

HABANG tinitipa natin ito, iniuulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council na may 85,000 pamilya ang tinamaan ng ulan, baha, lanislayd at iba pa sa Kabikulan, Visayas at Mindanao.

May 18 buhay na ang nakitil at bilyon piso nang halaga ng ari-arian at hanapbuhay ang nasira at nawasak.

Mula sa 85,000 biktima, libo-libo ang mga nasa ebakwesyon senter at nabubuhay na lamang sa limos ng mga taga-social welfare, non-governmental organization at iba pang mga matutulunging mamamayan at dayuhan.

Apektado, Suki, ang pag-aaral ng mga bata dahil sa ginawang ebakwesyon senter ang maraming paaralan at problema na nga talaga ang pagkain, gamot, kasuotan, inuming tubig at iba.

oOo

Buhay na buhay si Ondoy sa nabanggit na mga lugar.

Hindi natin basta malilimutan si Ondoy dahil sa pagdadala nito ng matinding ulan sa Metro Manila at iba pang lugar sa palibot nito.

Isang bagyo si Ondoy ngunit higit siyang nakilala na tagadala ng baha na sa mata ng iba, eh, parang baha noong panahon ni Noe.

Palibhasa, pinalubog nito ang mga matatayog na tahanan, pumatay ng marami at sumira ng bilyon-bilyong halaga ng ari-arian.

Sabi ng mga lolo’t lola, neber bipor in deir layp na nagkaroon ng baha sa Metro Manila, Bulacan, Rizal at Laguna maliban sa mga araw ni Ondoy.

Dahil sa mala-Ondoy na mga baha sa nasabing lugar, hindi kataka-takang nagdeklara na ng isteyt op kalamiti ang   mga lalawigan ng Albay, Surigao del Sur, Surigao del Norte at ang bayan ng St. Bernard sa Southern Leyte.

Mismong si PNoy ay nananawagan na rin ng tulong mula sa mga hindi apektadong lugar at may magagandang kalooban na tumulong sa mga biktima upang maibsan ang paghihirap ng mga ito.

oOo

Mayroon tayong napansin sa mga pagkilos ng pamahalaan.

Sinasabi ng mga onorabol na may 66 sa 80 lalawigan ang delikado sa mga baha at iba pang ngitngit ng kalikasan.

Ano-ano na nga pala ang ginagawa ng mga onorabol para ngayon pa lang ay magawan na ng paraan ang kalagayan ni Juan sa nasabing mga delikadong lugar?

Sinasabi ni PNoy na nag-utos siya ng zero casualty.

Pero nabigo siya.

Kaya naman may kasunod na utos at walang iba kundi ang pagrebyu sa lahat ng mga pagkilos ng pamahalaan laban sa kamatayan at kasiraan sa ilalim ng mga unos.

Siguro magandang isipin ni PNoy na hindi niya talaga mapigilan ang masungit  na kalikasan na kumuha ng buhay.

Pero oki na rin ang kautusan niya para sa zero casualty kahit may mga kabiguan dito.

Sa kautusang ito kasi nakikita ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan na kumikilos at nagtutulungan.

Sa nakaraang mga panahon, Suki, kasisimula pa lang ng unos, may sisihan at turuan na.

Laging ibinubunton ng nasyonal na gobyerno ang pangunahing responsibilidad sa mga lokal na pamahalaan at sinisisi na rin ang mga ito sa mga aberya.

Wala tayong naririnig na ganito sa ngayon.

Gud lak sa inyo! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply