Opensa ng Azkals pinatindi

TATLONG malalakas sa opensa na Filipino-European football players ang idinagdag sa line-up ng Philippine Team Azkals bilang paghahanda sa nalalapit na laban kontra sa Mongolia sa Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup sa Pebrero 9 sa Panaad Stadium, Bacolod City.

Isiniwalat ni Azkals Team manager Dan Palami na sigurado ng makalalaro ang mga bagong recruit na sina Filipino-Danish players Jerry Lucena at Dennis Cagara at Filipino German Stephan Schrock dahil pinayagan na sila ng kani-kanilang football club sa Europe.

Ang original team pa rin ng Azkals ang maglalaro kontra Mongolia subalit mas malakas na ito sa opensa dahil sa pagkakadagdag ng tatlong bagong manlalaro sa national team.

Posible umanong kasama na ni Palami sa pagbabalik nito sa Pilipinas mula sa Frankfurt, Germany ang mga bagong players at makakasama na nila ito sa kanilang training.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply