P.1 milyon natangay sa contractor

NAGPALABAS na ang Manila Police District (MPD) ng cartographic sketch ng isa sa tatlong suspek na tumangay sa tinatayang P100,000 cash sa isang sub-contractor ng construction firm sa Sta Mesa, Maynila kaninang umaga.

Inilarawan ang tinutugis na suspek na may edad sa 40-42, may taas na 5’5″, may katabaan ang pangngatawan at bilugin ang mukha.

Inilarawan naman ang pangalawang suspek na may edad 50–53, may taas na 5’1 hanggang 5’2, may kaliitan ang pangangatawan habang ang pangatlo ay may edad sa pagitan ng 35-40 at may kaputian ang balat.

Ang tatlo ay pinaghahanap matapos holdapin si Ronnie Deplomo, 44, sub-contractor ng  Irvine Construction Corporation at residente ng  243 D. Ampil Street, Sta. Mesa Manila.

Sa report ni Chief Insp Edgardo Carpio, Hepe ng MPD-Theft and Robbery Section (TRS), 7:45 ng umaga nang naganap ang insidente sa D. Ampil Street, Sta. Mesa.

Ayon sa biktima, papasakay pa lamang siya sa kanyang kotseng Toyota GLI car (UDX-113) patungo sa kanyang trabaho nang lapitan ng isa sa suspek, tinutukan ng kalibre 45 at nagdeklara ng holdap.

“Pagkatutok nung baril biglang sinabi nung holdaper na ‘Pre, pera lang kailangan namin, wag kang papalag’ sabay pasok sa loob ng kotse ko,” ayon sa biktima.

Ang dalawa pang suspek ay pinasok naman ang loob ng sasakyan ng biktima at tinangay ang envelope na naglalaman ng P110,000 cash bago nagsitakas.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply