P.5M pabuya para sa killer ni Evangelista

LIMANG milyong piso ang inilaan na pabuya ng Quezon City Police District sa sinumang makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng salarin na pumatay sa car dealer na si Venzon Evangelista.

Nabatid na ang pabuya ay nagmula sa isang “concerned citizen” na ayaw ipabanggit ang pangalan upang makatulong sa paglutas ng kaso.

Inatasan ni PNP District Director Chief Supt. Benjardi Mantele ang Special Investigation Task Group na agad kilalanin at hulihin ang mga salarin.

Nagsagawa na rin ng “documentation” tulad ng pagkuha ng mga pahayag ng mga sinasabing testigo at pagpapalabas ng mga kaukulang papeles para sa pagsasampa ng kaso sa mga salarin.

Ang pabuya ay bukod pa sa “reward” na ibibigay ng pamilya ni Evangelista para makatulong na malutas ang kaso.

Nauna nang sinabi ng hepe ng Special Investigation Task Group Chief na si Supt. Benito Estipona na tukoy na nila ang suspek at ngayon ay kanila nang sinisimulang tugisin.

Tumanggi ang pulisya na pangalanan ang grupo na nasa likod ng pagpaslang upang di masunog ang operasyon.

Matatandaan na si Evangelista ay dinukot habang nagsasagawa ng test drive para sa binibentang sasakyan sa Cubao, Lungsod Quezon, noong Enero 13. James de Jesus

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply