P-Noy dapat maalarma sa sunud-sunod na krimen

BINABALAAN ni San Juan Rep. JV Ejercito ang administrasyong Aquino sa sunud-sunod na pagpatay na aniya’y dapat seryosohin ng gobyerno upang agad itong resolbahin.

Sinabi ni Ejercito na posibleng ang naka-aalarmang karumal-dumal na pagpatay na ito ay upang hiyain si Pangulong Benigno Aquino.

“The current wave of gruesome crimes in the country is very alarming. I was informed that there is a strong belief among the intelligence sector that the recent series of high-profile criminal cases are meant to discredit the Aquino administration. PNOY must address the series of criminal activities seriously,” ayon pa kay Ejercito.

Binigyang diin ng mambabatas na ang mga pagpatay na ito ay hindi dapat ituring na ordinaryong pagnanakaw o carnapping o pagpatay dahil ang target ng mga kriminal ay mga kilalang personalidad o mga negosyante.

Kung hindi man aniya mayaman ay tinitiyak ng mga salarin na ang mga biktima ay nagmula sa mga Buena pamilya upang makakuha ng media exposure.

Ang pinakahuling mga biktima ay si Ms. Margarita Fores, pinsang buo ni dating Senador Mar Roxas.

May posibilidad aniya na kung sinuman ang nasa likod ng mga krimeng ito ay may layuning ikondisyon ang isipan  ng taumbayan na hindi kayang lutasin ng gadministrasyon ang naturang mga pagpatay upang ibagsak ang mataas na popularidad ni Pangulong Aquino.

“Apparently, the perpetrators of these heinous crimes are not staging these nefarious activities to earn a living illegally but to create a scenario that will try to discredit PNOY’s ability to govern,” ayon pa kay Ejercito.

Dahil dito, iminungkahi ni Ejercito kay P-Noy na magpatawag ng peace and order summit na dapat daluhan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), City Mayors, at iba pang sector upang agad mapag-usapan ang solusyon dito. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply