P1B subsidy sa LRT, MRT ililipat sa ibang proyekto

MAPUPUNTA sa mga proyekto ng pamahalaan ang  P1 bilyong subsidy na aalisin mula sa LRT at MRT.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte na mas maraming Pilipino ang makikinabang o maaabot ng programa at hindi lamang ang nasa kalakhang Maynila.

Nauna rito, umapela ang Malakanyang sa mga mananakay na panatilihing mahinahon sa usapin ng dagdag-pasahe sa  MRT at LRT.

Sa Marso 1, 2011 ay magsisimula ang implementasyon ng bagong pasahe sa MRT at LRT, bagay na inaalmahan ng publiko.

Ayon kay Valte, itataas ang pasahe sa MRT at LRT para na rin umano sa ikagaganda ng serbisyo. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply