P1M pabuya para sa ikadarakip sa suspek ng Makati bus bombing

MAGBIBIGAY si Pangulong Benigno Simeon Aquino III ng P1 milyong pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon upang agarang mahuli ang responsable sa pagpapasabog sa isang bus sa Makati City na nagresulta ng pagkamatay ng lima katao at pagkasugat ng marami.

“I did order a provision of P1 million reward for the information leading to the arrest and prosecution of all the suspects involved in this case and we will increase that as necessary,” sinabi ito ni Pangulong Aquino sa harap ng mga mamamahayag sa Malakanyang, Biyernes.

Matatandaang pinasabog ng hindi pa kilalang suspek ang Newman Goldiner bus na may plate number TXJ sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) malapit sa Buendia sa Makati City, noong nakaraang Martes bandang 2:00 ng hapon. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply