P20K sinungkit ni Ikaw Ha Ikaw Ha

NANOOD ng lutsahan sa unahan si second favorite Ikaw Ha Ikaw Ha upang sa pagsapit ng huling kurba ay madali nitong makuha ang unahan at tawirin ang meta ng may anim na kabayo ang distansya sa nasegundong si Pot Pot’s Love.

“Sa largahan hinabol agad ni Patty (Dilema, rumenda kay Pot Pot’ Love) si Desperado na nasa unahan kaya nag-abang na lang ako sa bandang likuran nila.” paliwanag ni John Alvin Guce na gumabay kay Ikaw Ha Ikaw Ha.

Papasok ng far turn ay nagsimula ng lumapit sa unahan ang winning horse upang lampasan ang mga bumandera pagliko sa home stretch ng Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Dahil sa pagkakapanalo ni Ikaw Ha Ikaw Ha sa naganap na Three-year-old Conditions A-1 ay nasilo nito ang added prize na P20,000 handog ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Nakapagtala si Ikaw Ha Ikaw Ha ng tiyempong 1:21.4 sa 1,300 meter race upang lampasan ang kanyang best time na 1:22 na tinarak niya ng  nakaraang taon.

Tumersero si top choice Desperado na sinakyan ni class A rider Fernando “Dunoy” Raquel.

Samantala, sa unang race ng nasabing araw ng karera ay naglundagan agad sa saya ang mga dehadista ng silatin ni Happy Morning ang mga llamadong sina On Your Kness at bahala Na sa isang Class Division 4 race.

Umoras ng 1:16 sa 1,200 meter race si Happy Morning dahilan upang mahigit sa kalahati ang nalaglag agad sa exotic bet sa Winner Take All. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply