P3 dagdag singil sa tubig

IBINUNYAG ng isang kongresista ang ipatutupad na P3 dagdag singil sa tubig simula sa Pebrero kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis at pamasahe.

Tinawag na “hindi makatarungan at walang kunsensya” ni Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang dagdag na singil sa tubig sa Metro Manila at kalapit lalawigan.

Ang pahayag ay ginawa ng kongresista matapos ang desisyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office na ibasura ang kanyang petisyon laban sa Manila Water Corporation at  Maynilad Water Services Inc.

Ayon kay Herrera-Dy, bago sana magtaas ng singil ang dalawang kompanya ay kailangang mag-refund muna sa consumers ng mahigit sa P1 bilyon nakolekta sa hindi naman naipatupad na proyekto.

Inihayag pa ni Herrera-Dy na ang napipintong pagtataas sa singil ng tubig ay inaprubahan sa kabila ng walang sapat na pasabi sa publiko ukol sa formula ng isinagawang computation.

Umaasa ang kongresista sa Commission on Audit upang makita ang pagiging pantay sa mga petisyong inihain bilang pagtutol sa gagawing pagtataas ng P3 singil sa tubig.

Malaki ang paniwala ni Herrera-Dy, ang MWSI at MWS na parehong pag-aari ng Ayala Group at Pangilinan Group, ay hindi exempted sa net profit cap law.  Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply