P35-M utang ng QCPD sa Meralco, babayaran ng QC gov’t

BABAYARAN na ng Quezon City government ang P35 milyon utang sa kuryente ng QC police District Office sa Meralco, may anim na taon na ang nakararaan.

Ayon kay QC Mayor Herbert Bautista, nakiusap sa kanya si PNP NCR Director Nicanor Bartolome na mabayaran ang utang sa kuryente ng QC police district sa Meralco upang mapabuti ang pagseserbisyo ng kapulisan sa lungsod lalo na sa gabi.

Sinabi ni Bautista na dahil may pondo naman ang QC government, ngayong buwan ay babayaran na nila ang utang ng QC police district sa Meralco.

Gayunman, sinabi ni Mayor Bautista na tanging ang P35 milyon lamang ang mababayaran ng lokal na pamahalaan at hindi kasama ang sumunod na billing sa kuryente ng QC Police.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Bautista na ginagawan na rin ng paraan ng QC government na mabayaran ang utang ng QC Division of City schools sa Maynilad waters at Manila Waters kapalit naman ang pagkakaloob ng maayos na akomodasyon sa mga kabataang mag-aaral. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply