P40-flag-down rate ng taxi, umpisa na sa Enero 22

MARARANASAN na ng mga pasahero ang bagong dagdag-pasahe sa taxi sa Enero 22.

Magiging P40 na ang flag-down rate ng naturang pampublikong sasakyan habang dagdag na P3.50 naman ang kada 300 metro nito.

Batay sa panayam kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Nelson Laluces ng DZMM, papatak sa Enero 21 ang ika-15 araw mula nang ipalabas nila ang resolusyon na nag-aapruba sa pagtaas sa singil sa pasahe sa taxi kaya epektibo na ito kinabukasan.

Dagdag pa ni Laluces, ang dapat lamang maningil ng dagdag pasahe ay ang mga taxi na na-reseal, na-calibrate at nag-iisyu na ng resibo ang metro. At kung wala pa silang bagong metering system, hindi pa sila maaaring maningil ng bagong rate.

Pinabatid pa ni Laluces sa mga pasahero na lalagyan nila ng malaking sticker ang mga taxi na maaaring maningil ng dagdag pasahe.

Inihayag ni Laluces na maaaring pagmultahin ang mga taxi operator habang maaari namang suspindihin o kanselahin ang lisensya ng mga driver ng taxi na maniningil ng dagdag-pasahe bago Enero 22.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply