P5M ari-arian ng bus company tinupok ng sunog

NATUPOK ang isang compound ng bus company sa Bacolod, na ikinasira ng P5 milyong ari-arian, Lunes ng gabi.

Wala namang napaulat na nasugatan sa sunog sa Brgy. Mansilingan, naturang lungsod, ayon sa news site Visayan Daily Star.

Batay kay Arson investigator Fire Officer 3 Joey Michael Victoriano, pinaniniwalaang electrical short circuit ang pinagmulan ng naturang sunog na tumupok sa dalawang bus kung saan bahagyang nadamay ang isa pa.

Ayon kay Victoriano,nakatanggap sila ng tawag galing sa patrol 117 bandang 7:48 p.m. na nagbibigay ng impormasyon na nasusunog ang painting booth ng Vallacar transit.

Bandang 8:35 p.m. na naapula ang apoy.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa paint booth ng compound at kumalat sa isa pang booth. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply