P60-million hot logs, nakumpiska sa Agusan

HALOS limang libong board feet ng iligal na pinutol na punong kahoy ang nakumpiska sa sunud-sunod na operasyong inilunsad sa mga bayan ng Loreto, San Luis at Talacogon sa Agusan del Sur.

Tinatahayang nagkakahalaga ng P60-milyon ang mga nasabat ng pinagsanib na puwersa ng mga lokal at nasyonal na ahensya sa pangunguna ni retired Maj. Gen. Renato Miranda ng Philippine Marines at Philippine Navy.

Nakipagtulungan sa operasyon ang Agusan del Sur Police Provincial Office, Agusan del Sur Provincial Public Safety Company, 13th Regional Public Safety Battalion, Philippine Army, Regional at Provincial DENR at mga miyembro ng DENR Task Force Pagbabago mula sa DENR-Central Office.

Ayon kay Miranda, kino-consolidate pa nila ang mga kahoy na kanilang nakumpiska upang madagdag sa mga nakuha na nila sa nakalipas na mga buwang operasyon.

Pansamantala itong nasa kostudiya ng Provincial Law Enforcement Coordinating Council (PLECC) sa Brgy. Batohon, Esperanza, Agusan del Sur habang hinihintay ang kautusan para sa pag-donate nito sa Department of Education.

Dagdag pa ng opisyal, ang kanilang ginawa ay para sa kabutihan ng buong Caraga Region na katatapos lang hagupitin ng baha at landslides. Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply