Pacman at Donaire naggigirian?

NAGKAKAROON diumano ng mainit na iringan sa pagitan ng kampo nina pound for pound King Manny “Pacman” Pacquiao at  “The Filipino Flash” Nonito Donaire.

Ito’y matapos magsalita si Rachel, asawa ni Donaire at inakusahan ang adviser ni 8-division world champion na si Michael Koncz sa diumano’y pagmamaniobra nito upang hindi mapasama sa undercard ng Pacquiao-Antonio Margarito fight si Donaire noong nakaraang Nobyembre sa Arlington, Texas.

Isiniwalat ni Rachel na lalaban sana si Donaire sa undercard ng Pacquiao-Margarito fight ngunit tinawagan ni Koncz si Top Rank promoter Bob Arum upang tanggalin ito sa fight card.

Itinuturo ni Rachel na dahilan sa pagtanggal sa asawa bilang undercard ng Pacquiao-Margarito fight ay ang hindi nito pagsanib sa MP Promotions na pag-aari ng Pambansang Kamao.

Hindi rin umano inimbitahan si Donaire sa birthday party ni Pacquiao sa halip ay mga dayuhang boxer kagaya ni Juan Manuel Lopez ang kabilang sa mga imbitado.

Pinabulaanan naman ni Arum ang pahayag ng asawa ni Donaire.

Ayon kay Arum hindi na kailangan pang pagsamahin si Pacquiao at Donaire sa iisang fight card dahil sapat na ang alinman sa dalawa upang makahakot ng Filipino fans.

Nasa ilalim ng promotional company ni Arum si Pacquiao at Donaire.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply