Pacman, binantaan ng psychic sa pagboboksing

NAKAUSAP ko si Lance Raymundo sa kanilang tahanan para linawin ang isyung panloloko raw sa kanya ng kanyang manager ng more than a million pesos kaya kumuha siya ng bagong magma-manage ng kanyang showbiz career.

Unang reaction ni Lance ay pagkagulat dahil wala naman daw money involved sa paghihiwalay nila ng dating manager na si Charlotte.

Totoong may bago na siyang manager dahil hindi na raw sila comfortable sa isa`t-isa ng dating manager. Nawala na raw yung dating sigla.

“Kapag nag-uusap kami ni Charlotte ay para malamig ang dating niya. Parang matabang na ang dating kapag magkausap kami,” say ni Lance.

Nagsimula raw ang tila “pagtatampo” ng manager niya nang magpunta siya ng Tate kasama ang mother at hindi ang kanyang manager para dumalo sa pagpapalabas ng kanyang movie na “Fidel.”

“One week na lang nang malaman ko na ipalalabas pala sa Tate ang “Fidel” Wala nang panahon para ayusin ang mga dapat ayusin papeles kaya nag-decide na lang ako na hindi na pumunta kahit nanghihinayang ako.

“Pero sinurpresa ako ng daddy ko. May ibinigay sa akin naka-envelope at nang buksan ko ay dalawang plane ticket pa Tate. Sabi ni Dad, si Mommy ang kasama ko kaya sinabi ko sa manager ko na pupunta ako sa Tate para dumalo sa showing ng Fidel,” say pa ni Lance.

Feeling ni Lance doon nagsimula ang pagtatampo ng kanyang manager dahil hindi ito ang isinama niya pa-Tate.

Katuwiran pa ni Lance kung nagkataon na one or two month pa lang niya nalaman na ipalalabas ang Fidel sa Tate ay baka nagawan pa niya ng paraan para makasama ang manager.

Hindi na raw siya pupunta kung hindi ginawan ng paraan ng kanyang daddy na makadalo kasama ang kanyang mommy.

Magmula raw noon ay naging matamlay na ang pakikitungo sa kanya ng manager at wala na yun dating sigla kapag nag-uusap sila.

Kaya nag-decide siya na kausapin nang maayos ang manager para sabihin ang nararamdaman at kapwa naman sila nagkasundo na maghiwalay na lang ng landas as talent and manager.

So, walang katotohanan na niloko siya ng more than a million pesos ng manager kaya siya nagpalit ng bagong manager.

“Walang cash involved sa paghihiwalay namin ni Charlotte,” pagdidiin pa ni Lance.

***

Nagpahayag ng pag-aalala ang ilang psychics sa maaaring sapitin ni Manny Pacquiao kapag patuloy pa rin itong makikipaglaban ng suntukan sa ring.

Bagama`t subok na raw ang tatag ng Pambansang Kamao kapag nasa ibabaw ng ring, still baka raw makatagpo ito ng katapat at matiyempuhan siya.

At this point of his boxing career, nakamit na naman niya ang lahat ng karangalan at narating na niya ang peak ng kanyang success bilang isang world class boxer. At ang kinita niya sa boxing ay sobra-sobra na at hindi kayang ubusin kahit na magkaapo pa siya.

Payo pa ng mga psychics na nagmamalasakit kay Pacman, sana raw ay makuntento na ang Fighter of the Decade sa suwerte at maraming biyaya na ibinibigay sa kanya ng Diyos at huwag nang maghangad nang sobra-sobra pa.

Huwag na raw niyang hangarin abutin ang ibang bagay na hindi niya linya, sa halip ay pag-ukulan ng panahon ang kanyang pamilya.

Samantalang may hula rin madaragdagan pa ang anak ni Manny Pacquiao (di sa ibang babae) dahil magbubuntis uli si Jinkee ngayong 2011.

KATRINA HALILI

Hanggang ngayon ay ayaw pa rin tantanan ng kanyang detractors si Katrina Halili. Mantakin mo ginawang kawawa ang sexy actress na hindi pa man nakaka-recover sa trauma ng iskandalo ng sex video ni Hayden Kho ay ginawan pa ng isang sadista at walang pusong impostor ng isang fake na Twitter account.

Hindi naman kapani-paniwala na mismong si Katrina Halili ang magpo-post sa kanyang Twitter account ng napaka-degrading na statement tulad ng pagpapakilala niya sa sarili bilang isang “prostitute.”

Marami ang nakabasa sa mensahe ng impostor na Katrina sa Twitter account nakasaad na: “I`am Katrina Halili…a prostitute from the Philippines.”

Walang puso at konsensiya kung sinuman itong impostor na Katrina sa Twitter. Sa halip na awa at pang-unawa ang ibigay niya sa sexy actress na dumaranas pa rin ng kahihiyan ay patuloy pa rin nitong niyuyurakan ang pagkatao ng actress.

Bakit kailangang patuloy siyang bastusin at saktan? Bakit hindi na lang siya tulungan na maka-move on upang makapag-umpisa ng bagong buhay.

Sinuman ka mang fake na gumagamit ng pangalan ni Katrina Halili sa Twitter account¸ sana hindi mo danasin ang kahihiyang dinanas niya. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply