Pacman ikinahihiya ng mga kabataan

KINAMUMUHIAN ngayon ng fans partikular ng mga kabataan itong  si pound for pound king Manny Pacman Pacquiao matapos isiwalat ng Remate na milyones ang nilulustay nitong salapi sa sugal gaya ng sabong, poker at bilyar.

Naging bukang bibig tuloy nila ngayon na sinisimulan na ni Pacman ang kanyang ensayo sa pamamagitan ng pagtaya sa mga sugalan at doon siya nagpapapawis upang manatali pa ring maayos ang pangangatawan.

Galit ang mga kabataan kay Pacman dahil nagulat sila, matapos mabasa sa Remate at sa website nito na www.remate.ph ang tungkol sa mga kabulastugan ni Pacman sa babae at sa sugal.

“Akala namin ay isa siyang idolo na pwedeng gayahin naming mga kabataan subalit nakahihiya pala at isa pala siyang babaero at bigtime na manunugal,” ani ng isang kabataan na nangangarap maging boksingero at gusto sanang gayahin si Pacquiao.

Isiniwalat ng Remate na si Pacman ay natatalo ng milyones sa pustahan sa sabong, maging sa larong bilyar at sa poker.

Ayon sa mga nainterbyung mga kabataan ng Remate, sinabi nilang isa palang walang kwentang tao si Pacquiao at swerte lang itong binigyan ng pambihirang galing sa boksing subalit isa pala itong sugarol at babaero.

Dati na ring napabalitang may ibang anak si Pacman kay Joana Bacosa at nag-ingay ito sa media upang makakuha ng suporta mula kay Pacman dahil siya umano ang ama ng kanyang anak na si Emmanuel.

Nawala na lang bigla ang isyu matapos umanong aregluhin ni Pacman si Bacosa at bigyan umano ito ng pera para pangsuporta sa kanyang anak.

Bukod kay Bacosa, nasabit rin si Pacman kina Krista Ranillo na umanoy nakakasama ni Pacman sa mga laban nito sa Las Vegas at kay Ara Mina na umano’y niregaluhan pa niya ng bahay.

Muntik na ngang masira ang pamilya ni Pacman dahil kay Krista at Ara Mina.

Bilang isang kongresista at itinuturing na bayaning Pilipino, marapat lamang  na mamuhay ito ng marangal at hindi isang sugarol at babaero, ayon sa isang kritiko.

“Ikinahihiya namin siya at mabuti na lang at nalaman namin ang tunay na kulay ni Pacman,” dagdag pa ng mga kabataan na gusto ring maging sikat na boksingero.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply