Pacman madugas sa boksing?

BAKIT si Shane Mosley, bakit ang isang matandang boksingero at nagpakita ng pangit na laban sa huli nitong pagsabak sa ring ang kanyang pinili at hindi si Juan Manuel Marquez o si undefeated Floyd Mayweather Jr.?

Ayon sa mga kritiko, malaki ang takot ni Pacman na makalaban sina Mayweather o kaya si Marquez dahil mga excellent fighter at counterpuncher ang mga ito bukod pa sa mahusay ring magbasa ng laban.

Kapag pinapanuod mong lumaban ang dalawang ito (Mayweather at Marquez) ay para mong pinapanuod si Steve Nash na dumudurog ng depensa ng kalaban sa basketball court.

Samantalang si Pacquiao ay parang si Lebron James na dominante sa loob ng court subalit kulang sa depensa.

Marami ang humahanga sa laro ni Mayweather sa ring dahil nababasa nito  ang galaw ng kalaban at kumakana ng counterpunch na parang may sariling isip ang mga kamao. Ang kanyang depensa ay parang tula na makinis at walang kaparis  sa lahat ng boksingerong nabuhay sa mundo.

Samantalang si Marquez ay parang isang masterpiece na pinagsama sa boksing ni Picasso dahil sa galing nito sa pagsuntok, paggamit ng combinations, pumeke, at mag-counter.

Sinong boksingero pa ang nakita niyong kumana ng apat na uppercuts ng sunod sunod at tumira pa ng isang perfect textbook counter na parang suntok na gawa ng Diyos na siguradong dudurog sa kalaban?

Hindi man matibay ang kanyang panga subalit sinong boksingero ang nakita ninyo na bumagsak ng ilang beses subalit sa bandang huli ay lumalabas na bugbog sarado pa ang kalaban nito?

Ang tanong,  bakit si Mosley at hindi ang isa sa dalawa ang pinili ni Pacman.

Ayon sa mga kritiko, ito ay patunay na hindi si Pacman ang pinakamagaling na boksingero sa mundo, magaling lang itong pumili ng mga kalaban at pupwersahin nila itong magpababa ng timbang upang manghina.

Tinawag ng mga kritiko si Pacman na madaya at magulang.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply