Pacman talo kay Mayweather

RUMEHISTRO ang huling dalawang laban ni Manny Pacquiao sa listahan ng may pinakamalaking benta.

Ang kanyang laban kay Antonio Margarito ay nasa second spot taglay ang 1,150,000 buys at ang isa naman ay laban kay Joshua Clottey na bumenta ng 700,000 na sapat na para sa eighth spot.

Gayunman, naging top seller naman sa taong 2010 ang laban sa pagitan nina Floyd Mayweather at Shane Mosley na humakot ng 1.4 million buys.

Ang dahilan kung bakit natalo ni Mayweather si Pacquiao ay dahil mas magaling na dance partner si Mosley na ng mga panahong iyon ay sariwa pa sa dominanteng knockout victory laban kay Margarito.

Sa 24/7 series ng HBO, nilikha nito ang four-part documentary kapwa ng Mayweather-Mosley at Pacquiao-Margarito ngunit hindi nito idinukumento ang Pacquiao-Clottey. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply