Pacquiao baka palitan si Mosley

UMUUGONG ngayon ang bulung-bulungan na baka palitan pa ni pound for pound king at 8-division world champion Manny Pacman Pacquiao si 5-division world champion Shane Mosley kapag biglang nagdesisyon si Floyd Mayweather Jr. na labanan siya sa ring para sa nakatakda nitong laban sa May 7.

Ito’y matapos umalingasaw ang balita na hindi pa rin pinipirmahan ni Pacman ang kontrata sa laban nila Mosley subalit tuloy pa rin ang pakikipag-negosasyon nila sa kampo ni Mayweather Jr.

Sa isang interview, kinumpirma ni Michael Koncz, adviser ng sikat na Pinoy boxer, na hindi pa pinipirmahan ni Pacquiao ang kontrata sa laban nila ni Mosley.

Si Pacman kasama ang pamilya ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Japan at Australia.

Ayon kay Koncz, nag-eenjoy pa si Pacquiao sa kanyang bakasyon, kasama ang asawa at mga anak at ayaw muna nitong pag-usapan ang boksing at hindi pa nito narerepaso ang kontrata at hindi pa rin napipirmahan.

Siniguro naman ni Koncz na walang dapat ikabahala si Mosley dahil approved-in-principle na ni Pacman ang kasunduan pagkatapos na pumayag ang kampo ni Mosley sa mga pagbabago sa hiniling ni Pacquiao partikular sa usapin ng hatian sa premyo, wika ni Koncz.

Sa Enero 10 nakatakdang bumalik sa Pilipinas si Pacman at sa Pebrero ay pupunta ito sa Amerika para sa press tour ng laban nila ni Mosley.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply