Pacquiao-Cotto rematch ikinakasa na

Kahit hindi pa tapos ang pakikipagsalpukan ni pound for pound king Manny Pacman Pacquiao kay Shane Mosley, ikinakasa na ng Top Rank Promotion ang susunod na laban ng Pinoy boxing icon kontra kay WBA junior middleweight champion Miguel Angel Cotto.

Isiniwalat ni Top Rank promoter Bob Arum na sisiguraduhin niya na bago magretiro si Pacman ay magkakaroon sila ng rematch ngayong taon ni Cotto.

Ngayong Marso ay nakatakdang idepensa ni Cotto ang kanyang korona kontra kay dating world champion Ricardo Mayorga at kung ito’y magwawagi, magkakaroon ito ng rematch kay Antonio Margarito sa Hunyo.

Ayon sa ulat, muling papanhik ng ring si Pacquiao pagkatapos ng laban kay 5-time world champion Mosley sa Oktubre o Nobyembre.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply