Pacquiao magreretiro sa 2013

KAHIT hindi pa tapos ang salpukan sa pagitan nina Sugar Shane Mosley at 8-division world champion Manny Pacquiao ay naghahanap na ito ng susunod na makakalaban ng sikat na Pinoy boxer sa susunod na dalawang taon.

Ito ang isiniwalat ni Top Rank Boss Bob Arum matapos nitong sabihin na sa 2013 pa magreretiro ang kanyang alagang si Pacman.

Taliwas sa inaasahan ng lahat para sa maagang pagreretiro ni Pacquiao, sinabi ni Arum na target pa umano ng alaga na ipagpatuloy ang boxing career hanggang 2013.

Sa darating na May 7 ang unang laban ni Pacquiao kontra kay Mosley para sa taong 2011 at inaasahan na muli itong aakyat ng ring pagsapit ng September o kaya October para sa kanyang second fight.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply