Pacquiao vs Marquez, pangarap na lang – Arum

WALA ng pag-asa pa na muling maghaharap sa ikatlong pagkakataon sina 8-division world champion Manny Pacquiao at ang mahigpit na katunggali na si Juan Manuel Marquez.

Ayon kay Top Rank promoter Bob Arum, hindi pera ang dahilan kundi ang magkaibang timbang ng dalawa.

Si Pacquiao ay lumalaban ngayon sa welterweight at super welterweight division, kung saan kahit na malalaki ang kalaban ay nadodomina nito, samantalang si Marquez ay komportable na sa lightweight at bumabagal ito kapag umakyat sa timbang, kagaya ng nangyari sa kanya sa laban kay Floyd Mayweather Jr.

Marquez can not go to  147 because his fights above 135 have not been consistent. You can’t have a yo-yo diet where you go up and down. You have to establish yourself in a division and then fight at the weight. It’s what Manny did,” ani Arum.

Unang nagharap si Marquez at Pacquiao noong 2004 kung saan tatlong beses pinabagsak ni Pacquiao ang Mehikano sa first round ngunit nauwi ang laban sa kontrobersyal na draw.

Muling nagharap ang dalawa noong 2008 at nanalo via split decision si Pacquiao upang maagaw ang WBC super featherweight title ni Marquez.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply