Padrino ng carjacking group ilalantad

HUHUBARAN ng maskara ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice(DOJ) ang mga padrinong pulis at government official ng  Dominguez carjacking group upang matukoy kung paano lumawak ang naturang grupo sa tulong na rin ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, nagsanib puwersa ang DILG at DOJ at nagbuo ng elite team laban sa law forcers na sangkot umano sa pagnanakaw ng mga sasakyan.

Sinabi pa sa ulat na isang elite team ang mag-iimbestiga upang matukoy kung may partisipasyon umano ang ilang law enforcers at ibang government official sa carjacking.

Ayon kay DILG Secretary Jesse M. Robredo, siya at si Justice Secretary Leila de Lima  ay gumawa ng kasunduan kahapon para magbuo ng special operative para sa malalimang imbestigasyon sa pagkakasangkot ng ilang awtoridad  sa katulad ng Dominguez carjack group.

Sa paunang ulat ang elite DILG-DOJ probe team ay magsasagawa ng masinsinang pagsisiyasat sa lahat ng carjacking cases sa Metro Manila; kikilalanin at gagawa ng profile sa mga leader at miyembro ng car theft rings; para madetermina ang modus operandi, financiers at protectors  ng mga ito. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply