Pag-inspeksyon sa escalator ng MRT,LRT isasagawa

Ipinag-utos ng Department of Transportation and Communications ang agarang pag-inspeksyon sa mga elevator at escalator ng lahat ng istasyon ng Light at Metro Rail Transit  matapos magkaroon ng aberya kahapon sa na ikinasugat ng walo katao.

Dahil dito, humingi ng paumanhin si DOTC Usec Dante Velasco sa mga pasaherong nadamay makaraang biglang tumigil ang escalator sa MRT Ayala Terminal na ikinasubsob ng mga mananakay kasabay ng pangakong hindi na mauulit pa ang pangyayari.

Isasama na rin umano sa pagkakaroon ng preventive maintenance ang mga elevator at escalator na kalimitang isinasagawa lamang sa kanilang mga train. Ben Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply