Pag-ulan tatagal hanggang Pebrero

TATAGAL hanggang Pebrero ang cold front na nararanasan ng bansa na naging sanhi ng pagbaha at landslides sa Bicol, Visayas at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Ayon kay PAGASA forecaster Connie Dadivas , nagsisimula nang maapektuhan ng cold front ang Western Visayas region.

“We expect this weather system to last until February,” ayon pa kay Dadivas sa isang panayam sa dzBB.

Ayon kay Davidas, ang northeast monsoon ay nararanasan na sa Northern at Central Luzon habang ang tail-end ng cold front ay nakaaapekto naman sa Visayas at Mindanao.

Batay sa PAGASA’s 5 a.m. bulletin, Huwebes, makararanas ang southern Luzon, Visayas at Mindanao ng maulap na papawirin na magdudulot ng rainshowers at pagkulog at pagkidlat. Makararanas din ng maulap na papawirin at pag-ulan ang Bicol region, Eastern Visayas at northeastern Mindanao na posible ring magresulta ng flashfloods at landslides.

Magkakaroon naman ng maulap na papawirin na may bahagyang pag-ulan ang buong bahagi ng Luzon. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply