PAGASA may bagong administrador

MAY bagong acting administrator na ang Philippine Atmospheric Geophysical at Astronomical Service Administration (PAGASA) matapos italaga ng Malacañang, iniulat Linggo.

Ang itinalaga ay si Nathaniel Servando, kapalit ng dating administrador na si Prisco Nilo.

Ang posisyon ay pansamantalang hinawakan ni Undersecretary Graciano Yumul.

Ang pumalit kay Servando sa dating posisyon nito ay si Flaviana Hilarion, habang acting Deputy Administrators sina Vicente Malano at Catalino Davis.

Itinalaga naman sa bagong appointments sina Sittie Jehanne  Mutin bilang Executive Director IV ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process OPAPP; Cecilia Alba, Secretary General, Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC); Ria Corazon Golez-Cabrera  Commissioner, Housing and Land Use Regulatory Board, (HLURB) at iba pa. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply