Pagbaba sa presyo ng petrolyo nakadepende sa OPEC

MALAKI ang pag-asa ng Department of Energy (DoE) na mabawasan ang bigat ng pinapasan sa presyo ng langis sa nakatakdang pagpupulong ng mga miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) sa Saudi Arabia.

Ayon kay Department of Energy Usec. Jay Layug, may magandang dulot ang pakikipagpulong sa OPEC para mapababa ang presyo ng langis sa bansa.

Sisikapin umano ng ahensya na masolusyunan na mapababa ang presyo ng langis sa nakatakdang nitong oil minister meeting sa Saudi Arabia.

Sinabi ni  Usec. Layug, isa sa nakikita niyang paraan upang masolusyunan ang tumataas na presyo ng langis sa ay ang makiusap sa mga miyembro ng OPEC na magtaas ng produksyon ng langis upang bumaba ang presyo nito sa world market.

Kasabay nito, nanawagan si Layug sa mga gumagamit ng gasolina na pansamantalang magtipid ng petrolyo. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply