Pagbabawal sa ‘kuliglig’ hindi ‘anti-poor’ – Lim

NILINAW ni Manila Mayor Alfredo Lim sa Commission on Human Rights (CHR) na hindi anti-poor ang ginawa niyang pagbabawal na pumasada ng mga “kuliglig” sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.

Ito ay kasunod ng pagpapatawag sa kanya kamakailan ni CHR Chairperson Loretta Ann Rosales upang linawin ang ilang isyu kaugnay sa ipinatupad na “ban” ng pamahalaan ng siyudad ng Maynila sa mga nasabing sasakyan sa piling kalsada ng lungsod.

Sinabi ni Lim kay Rosales na ang mga programa sa ilalim ng kanyang administrasyon mula sa edukasyon,kalusugan at peace and order ay pawang mga maka-mahirap.

“Since all health, education and social services programs of Manila are pro-poor, how can the city government be anti-poor?” ayon kay Lim.

Paliwanag pa ng alkalde na hindi nakarehistro sa Land Trasportation Office (LTO) ang mga kuliglig kung kaya hindi ito pinapayagang bumyahe sa siyudad o sa major roads.

Aniya, kapag mairehistro ng mga kuliglig operators at owners ang motor nito tulad ng ginagamit sa tricycle ay papayagan na silang pumasok at pumasada sa syudad.

Pinayagan naman umano ang mga pedicab sa siyudad pero sa mga side street lamang para hindi sila makaistorbo sa trapiko.

Iminungkahi rin ni Lim kay Rosales na tulungan ang mga kuliglig operators at owners sa posibilidad na makautang sa  pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development upang makabili sila ng motor, katulad ng ginagamit sa tricycle at makapagrehsitro ang mga ito sa LTO. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply