Pagbasa ng sakdal kay Singson ipinagpaliban

HONG KONG – Ipinagpaliban ang pagbasa ng sakdal kay Ilocos Sur Rep. Ronald Singson na nakatakda sana ngayong araw.

Sa halip, muli itong itinakda sa Enero 31, matapos mag-inhibit ang hukom na humawak sa kaso.

Ipinaliwanag ni Tsuen Wan Principal Magistrate Ernest Lin na nagpasya siyang mag-inhibit sa kaso, matapos makatanggap ng sulat mula sa isang concerned Pinoy worker na nagsasabi ng maraming akusasyon laban sa kongresista.

Minabuti umano niyang magbitiw sa kaso dahil baka makaapekto pa ito sa kanyang impartiality.

Dahil dito, bagong hukom ang hahawak sa kaso sa bagong schedule ng itinakdang arraignment.

Napag-alaman na maghahain sana ng guilty plea ngayong araw si Rep. Singson kaugnay sa kasong drug trafficking na kinakaharap nito sa Hong Kong.

Ito ay kasunod ng pagkakahuli sa mambabatas ng 26.1 gramo ng cocaine at dalawang tableta ng Valium sa Hong Kong International Airport.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply