Pagbuwag sa carnap groups, protectors pagsabayin na

UTOS ni PNoy sa mga alagad ng batas, “Buwagin sila!”

Tinutukoy ni PNoy, Suki, ang mga demonyong kriminal na nagnanakaw na ng mga sasakyan, pumapatay at sumusunog pa sa kanilang mga biktima.

Paynal na ba, Mr. President, ang inyong kautusan laban sa mga carjacker?
At panlahatan na rin?

Sapagkat maging ang mga walang kinalaman sa mga kasong patay-sunog ay hinuhuli na rin ng mga utusan ng Palasyo.

Nasampulan na nga ang Onad gang na wala yatang kinalaman sa patay-sunog kina Venson Evangelista, Emerson Lozano at Ernani Sensil.

Kung magpapatuloy ang aksyon sa lahat ng mga karnap-patay-sunog group, aba, aprub yan kay Juan.
Kahit papaano, makararamdam siya ng pis op mayn kahit saan man niya dalhin ang kanyang sasakyan.

Kahit sa kanyang pagtulog ay wala siyang inaalaala na paggising niya ay wala na ang kanyang sasakyan at pati buhay niya ay nakataya na pala.

Ang babantayan na lang niya ay ang mga wrecker na ligal at iligal na naniningil nang mahal sa kanilang panghahatak ng mga sasakyan kahit wala sa lugar.

Kahit kailan kasi ay buwisit din sa buhay ni Juan ang mga wrecker na ito na sa kagustuhan nilang kumita sa paniniket at impawnding ay basta na lang sila nanghahatak ng mga sasakyan nang walang pagbibigay muna ng tulong o anunsyo.
oOo

May problema nga lang sa kautusan ni PNoy.

Pinakikitid ito ng mga may masasagasaang interes o may itinatago
.
Wataymen, paano ang mga protektor o kasabwat ng mga kriminal na ito mula sa hanay ng mga pulis, militar, piskal, huwes, taga-Land Transportation Office, pulitiko at iba pa?

Hindi ba isasama ang mga ito sa kulungan o sa hukay sa mga shoot to kill order na tahimik na iniisyu ng mga asar na asar sa mga kriminal?

Paano rin ang mga  may intensyong patahimikin ang mga nandadamay at may marami nang nalalaman?

Aminin man kasi o hindi ng mga onorabol, may mga taga-pamahalaan na protektor o kasabwat ng mga kriminal na kanaper na patay-sunog.

Hindi nga lang makapagreklamo o makapagsumbong si Juan sa takot na buweltahan siya.

Kasi naman pare-pareho ang mga kriminal at iskalawag na malakas ang loob sa pamamaslang at pamamaluktot sa mga batas.
oOo

Sabi ng mga lumalaban sa mga kriminal at iskalawag, mahihina ang mga kaukulang batas kaya naman nakagapos ang kanilang mga kamay sa pakikipaglaban.

O PNoy, pag-aralan mo ito at sila’y palakasin sa pamamagitan ng

Rebyuhin mo ang anti-carnapping act, maghanda ng kinakailangang amyenda at saka mo kontakin ang iyong mga tsuwariwap sa Kongreso para sila umaksyon.

Kalimutan muna nila ang Chacha.

Alangan naman kasi na mag-amok na lang ang mga tapat at normal sa pag-iisip na mga pulis at sundalo at imasaker na lang nila ang mga suspek gaya ng naganap noong araw  sa Mendiola at Hacienda Luisita.
Pati ang mga inosente ay nadadamay riyan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply