Pagbuwag sa PET ipinalilinaw

MISTULANG inatasan ng Korte Suprema ang sarili na magpaliwanag sa usapin ng pagbuwag sa Presidential Electoral Tribunal.

Ang PET na  binubuo ng mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman at pinamumunuan ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona bilang ex-oficio chairman ay binubuo rin  ng mga mahistrado ng mataas na tribunal kasama ang ilang senador at kongresista bilang mga miyembro.

Sa resolution ng Supreme Court en banc, kinakailangang magkomento sa loob ng sampung araw ang PET  sa petisyon ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal na humiling na pag-aralan ang paglusaw sa PET lalo’t mga justices rin naman ang miyembro ng nasabing kapulungan.

Ibinasura na ng SC ang petisyon ngunit naghain ng motion for reconsideration si Macalintal para baguhin ng mga mahistrado ang desisyon.

Sa ngayon, isa sa mga kasong hawak ng PET ang election protest na inihain ni dating senador Mar Roxas laban kay Vice President Jejomar Binay, dahil sa nakaraang halalan kung saan napakaraming idineklarang null votes na sa tingin ng kampo ni Roxas ay para sana sa kanilang pambatong senador. Teresa Tavares

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply