Pagkakasibak ni Albania pinaiimbestigahan

DAPAT isailalim sa isang masusing imbestigasyon upang malaman ang tunay na dahilan kung bakit tinatamad nang magsanay si Filipina multi-titled fighter Annie Albania at dapat pagbayarin ang may mga pananagutan.

Si Albania, miyembro ng Philippine women’s boxing team, ay sinibak dahil sa madalas nitong pagliban sa training.

Subalit iginiit ng isang kritiko, posibleng may malalim na dahilan na siyang nagtulak kay Albania para mawalan ng ganang lumahok sa mga pagsasanay na naging sanhi  upang siya’y masibak.

“Maaaring kulang sa budget. Maaaring ginugutom. Ang mga ganyang isyu ang dapat tingnan ng mga sports officials natin,” ayon sa kritiko sa panayam ng Remate Sports.

“Maaaring nagising na rin si Albania sa katotohanan na pinagkakaperahan lang sila ng mga opisyal. Paano, parang inuuna ang interes ng mga opisyal kesa mga atleta?,” dagdag ng kritiko.

Natuklasan din ng Remate Sports na ang mga Phl boxers ay kulang pa rin sa kagamitan at kung mayroon man ay luma ang karamihan sa kabila na malaki naman ang inilalaang budget dito ng Philippine Sports Commission (PSC) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Maging ang ilang mga nalalabing miyembro ng boxing team ng bansa ay may mga karaingan pa rin laban sa mga opisyal na ayon sa kanila’y nananamantala sa pondo ng koponan.

Una nang inamin ni coach Roel Velasco na malaki ang epekto ng preparasyon ng bansa sa Olympics sa pagkawala ni Annie sa team dahil magaling itong boksingero.

Pero sinabi ni Velasco, bronze medalist sa 1992 Barcelona Olympics, na hindi naman maaaring iisa lang ang ite-train dahil sa ganoong sitwasyon ay kailangang may pamalit kaagad.

Ibinunyag naman ng mga sources mula sa boxing team ng bansa na marami umanong kabalbalang pinaggagagawa ang mga opisyal at ito’y malalaman ng publiko sa mga susunod na araw.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply