Pagkatapos ni Mosley, Mayweather humanda ka na! – Pacquiao

MALAKI ang posibilidad na si undefeated Floyd Mayweather Jr. na ang susunod na makakasagupa sa ring ni 8-division world champion Manny Pacquiao kung matatalo nito si 5-time world champion Sugar Shane Mosley sa Mayo 7 sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang inamin ni Pacquiao matapos sabihin ni Top Rank promoter Bob Arum na kapag sinabi ni Mayweather na handa siyang labanan si Pacquiao ay siguradong tuloy na ang kanilang laban.

Ngunit bago matuloy ang laban nila ni Mayweather, kailangang lampasan muna ni Pacman si Mosley.

Sa kabila na lamang na lamang sa laban si Pacman kontra kay Mosley, hindi dapat maging kompiyansa ang Pinoy dahil delikadong boxer ang kano.

Ayon kay Arum, isa pa sa magiging sagabal sa laban nina Mayweather at Pacman ay ang kasong kinakaharap ni Floyd Jr. kung saan pwede itong makulong hanggang 34 taon.

Subalit, kapag nalampasan ito ni Mayweather, siguradong tuloy na tuloy na ang laban nila ni Pacman na itinuturing na pinakamalaking laban ng boksing ngayong taon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply