Paglalagay ng linya para sa bisikleta, isinulong

ISINULONG ng isang baguhang mambabatas ang paglalagay ng bicycle side paths sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Hinimok ni LPG Marketers Association (LPGMA )Rep. Arnel Ty ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and
Highways (DPWH) na magdisenyo at magbukas ng bicycle side paths sa 12.4-kilometrong haba ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

“Commonwealth Avenue is ideal for bicycle lanes. It is much wider than EDSA,” ayon kay Ty na isang cycling enthusiast.

Ang 20-lane Commonwealth avenue ang pinakamalawak sa bansa. Daig pa nito ang 24-kilometrong EDSA o Epifanio de los Santos Avenue na
10-lane north-south highway.

“More people will surely be encouraged to use their bicycles once they can safely and efficiently travel on Commonwealth on dedicated lanes,”
sinabi ni  Ty.

Aniya,  dapat ding maglaan ng bicycle parking facilities sa magkabilang side ng Commonwealth, na nagsisimula sa Quezon Memorial
Circle sa loob ng Elliptical Road at nagtatapos sa Quirino Highway sa Novaliches.

“This way, people living as far as Novaliches can ride their bicycles on Commonwealth, safely park their two-wheelers near Philcoa or Quezon
Memorial Circle, and then catch a short ride to the nearest MRT station or bus stop on their way to work in Makati City or elsewhere,”
paliwanag pa ni Ty.

Una nang inihayag ng MMDA na maglalaan sila ng lanes para sa motorcycle sa Commonwealth.

Pero nais ni Ty na ihiwalay ang linya para sa mga bisikleta. “If we look at the bicycle paths in other countries, these are always
segregated from all forms of motorized traffic, including motorcycles,” ani Ty. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply