Paglikas sa mga nasalanta ng landslides, patuloy pa rin

PATULOY ang  isinasagawang paglilikas sa mga residente ng St. Bernard, Southern Leyte na naapektuhan ng landslides bunsod ng mga patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa naturang lugar.

Ayon kay Philippine Army 8th Infantry Division Commander Maj. Gen. Ramon Chan, nakararanas ng kahirapan ang mga tauhan ng 19th Infantry Batallion ng Philippine Army at 802nd Brigade na makapasok sa Bgy. Tabon-Tabon at Bgy. Mahayag ng naturang bayan dahil sa makapal na putik na dulot ng landslide na nagkalat sa kalsada.

Umabot na aniya sa mahigit 40 pamilya o katumbas ng mahigit 200 indibidwal ang kanilang nailikas sa St. Bernard habang nasa 46 pamilya naman ang nailikas mula sa Bgy. Malinaw.

Samantala, nabatid na gumaganda na ang panahon sa naturang lugar kung saan maaari na silang makagamit ng chopper upang mapabilis ang paglikas sa mga nasalanta. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply