Pagpaparehistro sa SIM cards binuhay

MULING binuhay sa Kamara ang panukalang pagpaparehistro sa SIM (subscriber identity module) cards na ginagamit sa mobile phones.

Sinabi nina Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro) at Maximo Rodriguez (Abante Mindanao partylist) sa House Bill 3940 na  gagawing mandatoryo ang pagre-record ng mga ibinebentang SIM cards.

Kabilang na sa kukuning impormasyon ay ang personal information ng bumili at pagpaparehistro sa telecommunications company ng nabiling SIM card.

Sinabi ng magkapatid na Rodriguez na layon ng panukala na mapigil ang illegal na paggamit ng SIM cards ng mga kriminal sa kanilang aktibidades.

Kailangan ding magpresenta ang buyer ng government-issued identification card bago siya makabili ng SIM.

SA lalim ng panukala, bubuhayin o ia-activate lamang ng mga telecommunications companies ang SIM cards matapos iparehistro ang lahat ng rehistrasyon ng buyer sa kanilang database.

Binigyang diin pa ng dalawang mambabatas na madaling bumili ng prepaid SIM card dahil hindi na kailangan pang magsumite ng dokumento o magparehistro,

Inihambing pa ng mga ito sa kendi na ibinebenta sa mga sidewalk ang mga ibinebentang SIM cards na ibinebenta ng mura.

Dahil hindi na kailangang irehistro, hindi magawang ma-trace ang gumagamit ng naturang prepaid SIM cards lalung-lalo na kapag itinapon ito pagkatapos gamitin.

Nakapaloob pa sa panukala na ang telecommunications companies na lalabag dito ay posibleng masuspinde sa pagbebenta ng SIM cards. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply