Pagpapasabog ng granada sa Cotabato napigilan

KAMUNTIKAN nang mapasabog ang bayan ng Tantangan, South Cotabato na nagdaraos ng kanilang culmination activities sa ika-50 taongf foundation anniversary kung hindi ito napigilan ni Mayor Arnold Garingo.

Ayon kay Tantangan Mayor Garingo, napigilan ang pagasbog ng isang fragmented grenade sa naturang bayan dahil inilagay umano ito  malapit sa kanyang likuran kung saan siya nakaupo na agad naman niyang nakita.

Inilagay diumano ng dalawang hindi nakilalang mga suspek ang granada sa naka-parking na traysikel sa mini-park na nasa harapan ng munisipyo ng Tantangan.

Ngunit hindi rin matukoy ng alkalde kung siya talaga ang target sakaling sumabog ang nasabing granada dahil posible umanong pamiminsala lamang ang plano ng mga suspek.

Nabatid din kay Mayor Garingo, bago ang pagkatuklas sa granada  ay nakatanggap sila ng bomb threat na may sasabog diumanong bomba sa kanilang bayan sa pamamagitan ng text message na ipinadala sa kanya.

Isinailalim na sa interogasyon ang driver ng traysikel kung saan narekober ang bomba na kinilalang si Robert Panes, ng Barangay Cabuling, Tantangan, South Cotabato. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply