Pagpatay sa anak ni Atty. Lozano may lead na

MAY lead na ang Police Regional Office 3 kaugnay sa karumal-dumal na pagpaslang sa anak ni Atty. Oliver Lozano na si Emerson at driver nitong si Ernani Sensil

Sa pahayag ni PNP Region 3 Director Chief Supt. Allan Purisima, tuloy din ang pagsusuyod sa Tarlac at Pampanga – lugar na pinagsunugan at pinagtapunan sa bangkay nina Lozano at Sensil.

Ayon kay Purisima, hindi bumibitiw ang awtoridad sa anggulong mistaken identity ang pagkakapatay sa mga biktima.

Tumanggi naman ang opisyal na idetalye ang motibo at operasyon na ginagawa laban sa mga suspek

Samantala bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng isang special investigation task force group na tututok sa kaso ng mga biktima.

Nakatakda ring magpulong ang mga may hawak ng kasong pagpatay sa batang Lozano upang malaman ang development nito.

Unang inutusan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga awtoridad na magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa sinapit nina Lozano at Sensil. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply