Pagsasanay sa may 50,000 tsuper, sinimulan na

PINASIMULAN na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagsasanay sa may 50,000 pampublikong tsuper sa bansa.

Ito ay kinabibilangan ng safety training at technical orientation upang maibsan kung hindi man tuluyang maiwasan ang paglobo ng bilang ng mga aksidente sa kalye.

Ang TESDA, sa pakikipagtulungan ng Department of Transportation and Communications (DOTC), ang siyang magsasagawa ng pagsasanay at magpapatupad ng assessment program.

Nauna nang natukoy ng DOTC na 85-porsiyento ng aksidente sa lansangan ay may kinalaman sa pagmamaneho.

“Concerned government agencies are now working together to get the ball rolling in training our public utility drivers to ensure that their passengers are safe and to bring about order on the road. The string of accidents in the past weeks should not be repeated,” pahayag ni Tesda Director General Joel Villanueva.

Ang programang ito ng TESDA ay tatagal ng dalawang taon upang masiguro na ang may 50,000 tsuper ay mabibigyan ng sertipikasyon at sapat na pagsasanay.

Pakikilusin ng TESDA ang mga personnel nito sa may 85 district offices upang makatulong sa training.

Hiniling naman ni Villanueva na tumulong ang mga operators na balikatin ang gastusin sa training ng kanilang mga tsuper.

Mayroon lamang P700 milyon na pondo para sa scholarship ang TESDA ngayong taon mula sa dating alokasyon na P5.6 bilyon noong 2009. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply